Ang lahat sa 'ki'y kunin na Si Jesus ang itira Sa pag-ibig N'ya'y aasa Na hindi mag-iiba.
REFRAIN
Ang luwang, lalim, at taas Ng pag-ibig N'yang wagas, Ay walang makakasukat Pagka't sa langit buhat.
Lahat na, sa aki'y kunin Kay Jesus lang ipiling, Anumang hirap ang datnin Masayang aawit din.
Kunin ang lahat ng bagay Si Jesus lang ang iwan, Kung S'ya'y kasama sa buhay Sa daan ko'y may ilaw.
Lahat ay iiwang lubos Kasama lang si Jesus, Mukha N'ya'y mapapanood Kung ang lahat matapos.